KADIWA sa NIA, Patuloy na Isinasagawa ng MIMAROPA

Oriental Mindoro - Patuloy na isinasagawa ng MIMAROPA ang KADIWA sa NIA, sa pamumuno ni Acting Regional Manager Ronilio M. Cervantes ngayong araw, Setyembre 14, 2023 sa tapat ng opisina ng NIA, sa Bayanan II, Calapan City, Oriental Mindoro.

Alinsunod sa direktiba ni Acting NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen, ang nasabing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay malaki ang maitutulong hindi lamang upang mapataas ang kita ng mga magsasaka kundi pati na rin maihatid sa mga mamimili ang sariwa ngunit abot-kayang mga prutas at gulay.

Samantala,nagpaabot naman ng pasasalamat si Gutad Irrigators Association (GUIA) Inc. President Johnny Dimailig sa ahensya at sa pamunuan nito sa patuloy nilang pagsuporta sa nasabing programa upang higit na matulungan ang mga miyembro ng kanilang asosasyon.

Nagpakita rin ng suporta sa nasabing gawain sina Engineering and Operations Division Manager Lowell L. Lozano, Administrative and Finance Division Manager Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron, Mindoro Oriental-Marinduque-Romblon (MOMARO IMO) Manager Gerardo R. Perez, Operations Section Chief Engr. Shirley G. Bahia, Mindoro Island Convergence Initiative Officer Engr. Emelito V. Urriquia, Human Resource Unit Head Susan R. Lozano, Institutional Development Unit Head Engr. Ave Jane V. Alvarado, MOMARO IMO Senior Irrigators’ Development Officer (IDO) Engr. Ailyn E. Aquino at iba pang Institutional Development Program (IDP) implementers.