Submitted by admin-r4b on
Oriental Mindoro - "Dahil sa padala n'yo pong diesel, natapos naming gawin ang brush dam, nagkaro'n na po kami ng tubig at sa ngayon, maganda na ang daloy ng tubig sa kanal hanggang sa aming bukid at magsu-survive ang aming pananim hanggang anihan na po ." -Tagumpay Farmers’ Small Irrigators Association (FIA) President Mark Henry Fontanilla.
Lubos ang pasasalamat ni Tagumpay FIA President Fontanilla sa NIA MIMAROPA sa pamumuno ni Acting Regional Manager Ronilio M. Cervantes sa agarang tulong na ipinaabot ng ahensya upang matugunan ang kanilang hinaing patungkol sa brush dam. Matatandaang isa ang Brgy. Tagumpay sa Sablayan sa napabalita sa TV Patrol noong July 8, 2023 na nakaranas ng pagkakatuyo at pagkakabitak ng lupa sa kanilang sakahan. Bagama't hindi mula sa ilalim ng pamamahala ang nasabing asosasyon, tiniyak ng NIA na mabigyan ng kaukulang solusyon ang kanilang hinaing upang masiguro ang sapat na suplay ng tubig sa kanilang sakahan.