AGRICULTURE SECRETARY LAUREL, JR AT NIA ADMINISTRATOR GUILLEN, SUPORTADO ANG KADIWA SA NIA SA ORIENTAL MINDORO

Calapan City, Oriental Mindoro - Nagpakita ng suporta sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.  at NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen sa isa sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na makapagpapaangat sa antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at makapagsusugpo ng kagutuman sa bansa, ang Kadiwa. Ito’y matapos nilang makiisa sa regular na pagbubukas ng Kadiwa sa NIA sa tapat ng opisina sa Bayanan II, Calapan City, Oriental Mindoro, kanina, Pebrero 1, 2024.

Ayon na rin sa direktiba ni NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen, ang nasabing programa ay makatutulong upang direkta ng maihatid ng mga magsasaka at ng mga samahan nito ang kanilang mga produkto sa mga mamimili.

Bukod sa mga sariwang prutas at gulay, mura ring ipinagbili ang bigas sa presyong P35.00 kada kilo.

Ang nasabing pagbubukas ng Kadiwa sa tapat ng opisina ng NIA ay regular ng isinasagawa tuwing araw ng Huwebes sa pakikiisa ng mga Irrigators Associations sa Oriental Mindoro. Ito’y sa ilalim ng pamumuno ni NIA MIMAROPA Acting Regional Manager Engr. Ronilio M. Cervantes at Mindoro Oriental-Marinduque -Romblon (MOMARO) Irrigation Management Office (IMO) Division Manager Engr. Gerardo R. Perez.

Sina Agriculture Undersecretary Jerome V. Oliveros, Hon. Edwin L. Gardiola, Committee on Appropriations Chief of Staff Jake Pineda at DA MIMAROPA Regional Executive Director Atty. Christopher Bañas, NIA MIMAROPA Engineering and Operations Division Manager Engr. Lowell L. Lozano at Administrative and Finance Division Manager Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron ay nakiisa rin sa Kadiwa ng Pangulo.