NIA Sr. Deputy Administrator Bagasin, nanguna sa inagurasyon ng proyekto sa Palawan

 

Pinangunahan ni NIA Sr. Deputy Administrator Gen. Abraham B. Bagasin (Ret.) ang inagurasyon ng mga proyekto para sa mga magsasaka ng Narra, Palawan noong ika-14 ng Hunyo, 2017 bilang bahagi ng programa ng Palawan IA Congress. Ito ay ang combined facilities ng Malatgao South Federation of Irrigators Association (FIA) at Upper Lapu-Lapu Irrigation Project.

Kasama niya sina Regional Office Engineering and Operations Division Manager Cesar M. Pobre, Operations Chief Ramon V. Perdido at Palawan Irrigation Management Office (IMO) Division Manager Conrado V. Cardenas, Jr.

Kabilang sa mga pasilidad para sa Malatgao FIA sa pamamahala ni Pangulong Amador Hermo Jr. ay opisina  ng IA, warehouse para sa mga ani at farm machineries ng samahan at solar dryer. Samantala, isang teruvian-type dam naman ang Upper Lapu-Lapu Irrigation Project na siyang pamamahalaan ng Delta Falls Upper Lapu-Lapu IA sa pangunguna ni Pangulong Loreto Briones.

Ang konstruksyon ng combined facilities ng Malatgao South FIA ay sinimulan noong November 2015 at natapos noong June 2015. Ang compound kung nasaan ang mga pasilidad na ito ay may kabuuang sukat na 1,200 sq. meters.

Sinimulan ang konstruksyon ng Upper Lapu-Lapu Irrigation Project noong Nobyembre 2016 at natapos noong ika-14 ng Hunyo, 2017. Ang pamamahala nito ay nailipat rin sa IA sa kaparehong petsa. Ang proyekto ay may firmed-up service area na 192.4 ektarya at may 35 na magsasakang benepisyaryo.

Ang mga proyektong ito ay inaasahang makatutulong lalo sa ikagaganda ng ani ng magsasaka at ikatataas ng antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa bayan ng Narra.