MIMAROPA Regional Office at Palawan IMO, pinarangalan sa NIA 56th anniversary

By: Aileen Vernice G. Bahia, Regional Office

Quezon City - Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinarangalan ang National Irrigation Administration (NIA) MIMAROPA Regional Office at Palawan Irrigation Management Office (IMO) sa naganap na ika-56 anibersaryo ng ahensya noong Hunyo 21, 2019.

Ang NIA MIMAROPA ay itinanghal bilang Regional Office of the Year at ang Palawan ay Irrigation Management Office of the Year.

Pinarangalan rin ang iba pang mga opisina tulad ng Jalaur Multi-Purpose Project II (JRMP II) bilang Field Office-Based Project Management Office of the Year at Integrated Irrigation Systems Office of the Year ang Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS). Samantala, nakamit ng Comprehensive Agrarian Reform Program-Irrigation Component (CARP-IC) ang Central Office-Based Project Management Office of the Year. 

Ginawaran din ng parangal ang mga natatanging empleyado mula sa Central at Field Offices. Gayundin ang mga natatanging Irrigators Association sa ilalim ng National at Communal Irrigation Systems at CARP-IC.

Naging panauhing-pandangal sa nasabing aktibidad si Cabinet Secretary Karlo Nograles na sinabing iyon ang una niyang anibersaryo sa NIA. Ipinaabot niya ang pagbati sa mga nagkamit ng parangal gayundin sa mga kawani ng NIA at hinikayat sila na pagbutihin pa ang pagganap sa kanilang tungkulin sa pagpapa-unlad ng agrikultura at antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa bansa.#